Downloads provided by UsageCounts
Ang pananaliksik na ito ay nauukol sa kakayahang panggramatika sa Filipino ng mga mag-aaral sa unang antas sa Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro. Nilalayon nito na matukoy ang kakayahan ng mga mag-aaral sa paggamit ng mga bahagi ng pananalitang pangnilalaman at pangkayarian, gayundin, nilalayon nitong mailarawan ang pagkakaiba ng kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral sa mga bahagi ng pananalita. At panghuli, nilalayon din nitong makabuo ng binalangkas na modyul na makatutulong sa mga mag-aaral upang lalo pang malinang ang kakayahan sa wastong paggamit sa mga bahagi ng pananalita. Gumamit ang mga mananaliksik ng deskriptibong kwantitatibong metodo sa pagkuha ng mga datos, random sampling para sa pagpili ng mga respondente ng pananaliksik. Ang mga respondente ay mga mag-aaral mula sa unang antas ng Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro na may kabuoang bilang na dalawang daan at dalawampu't dalawa (222). Natuklasan sa pananaliksik na may pagkakaiba ang kakayahan ng mga mag-aaral sa bawat bahagi ng pananalita. Sa bahagi ng pangnilalaman, lubhang mataas ang antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa paggamit ng panghalip, subalit sa paggamit ng pandiwa sa pangungusap, nangangailangan pa ang mga mag-aaral ng malalim na pag-unawa na may katamtamang antas ng kakayahan. Sa bahagi ng pangkayarian, mataas ang antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa paggamit ng pangatnig, samantalang nangangailangan pa ng kahusayan sa pag-unawa sa bahagi ng pang-ukol. Batay sa pananaliksik, natuklasang nangangailangan pa ng mga karagdagang pagsasanay sa paggamit ng gramatikang Filipino. Magkaiba ang antas ng kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral sa wika sapagkat nagkakaiba-iba rin ang antas ng kahirapan ng paggamit nito.
wika, gramatika, deskriptibong kwantitatibong metodo, Pilipinas
wika, gramatika, deskriptibong kwantitatibong metodo, Pilipinas
| selected citations These citations are derived from selected sources. This is an alternative to the "Influence" indicator, which also reflects the overall/total impact of an article in the research community at large, based on the underlying citation network (diachronically). | 0 | |
| popularity This indicator reflects the "current" impact/attention (the "hype") of an article in the research community at large, based on the underlying citation network. | Average | |
| influence This indicator reflects the overall/total impact of an article in the research community at large, based on the underlying citation network (diachronically). | Average | |
| impulse This indicator reflects the initial momentum of an article directly after its publication, based on the underlying citation network. | Average |
| views | 917 | |
| downloads | 586 |

Views provided by UsageCounts
Downloads provided by UsageCounts