
doi: 10.36713/epra19793
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay upang malaman ang ugnayan ng impluwensya ng artificial intelligence at kaligirang pampagkatuto sa akademikong perfromans ng mga mag-aaral. Kung kaya’t ang pag-aaral na ito ay may layuning siyasatin ang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng impluwensya ng artificial intelligence at kaligirang pampagkatuto sa akademikong performans ng mga mag-aaral sa unang taon ng BSED Filipino ng KCAST. Nagtamo ang mga layunin ng pag-aaral na ito sa pamamagitan ng estadistikong gamit. Ang mga kalahok na pag-aaral ay binubuo ng 117 ng mag-aaral sa unang taon ng BSED Filipino. Ayon sa resulta nakakuha ng mataas na antas sa nakikitang panganib, nakikitang pagganap, nakikitang pagsisikap, kalagayan ng pasilidad, pag-uugali, gustong pag-uugali, at adaptsyon ng AI sa mataas na edukasyon sa artificial intelligence. Pagdating sa kaligirang pampagkatuto ang tiyak na positibong pakikitungo sa loob ng silid-aralan, pagkakaiba-iba ng paniniwala at pag-uugali, pansariling pagsalungat at pagtitiyaga sa katayuan ay nakakuha ng mataas. Sa pagdating sa akademikong performans na kakayahan, ugali, at kilos ay nakakuha ng mataas. Samakatuwid, ang resulta ay nangangahulugang ang null hypothesis ng pag-aaral ay tinanggap sapagkat malinaw na ang tatlong baryabol ng pag-aaral na ito ay walang makabuluhang ugnayan. Ibig sabihin nito na ang indikasyon na nagpapatunay na nararapat pagtuunan ng pansin ang pagpapaunland ng artificial intelligence upang umunlad ang kaligirang pampagkatuto at umunlad rin ang akademikong perfromans ng mga mag-aaral. MGA SUSING SALITA: artificial intelligence, kaligirang pampagkatuto, akademikong perfromans, at mag-aaral.
| selected citations These citations are derived from selected sources. This is an alternative to the "Influence" indicator, which also reflects the overall/total impact of an article in the research community at large, based on the underlying citation network (diachronically). | 0 | |
| popularity This indicator reflects the "current" impact/attention (the "hype") of an article in the research community at large, based on the underlying citation network. | Average | |
| influence This indicator reflects the overall/total impact of an article in the research community at large, based on the underlying citation network (diachronically). | Average | |
| impulse This indicator reflects the initial momentum of an article directly after its publication, based on the underlying citation network. | Average |
