Powered by OpenAIRE graph
Found an issue? Give us feedback
image/svg+xml art designer at PLoS, modified by Wikipedia users Nina, Beao, JakobVoss, and AnonMoos Open Access logo, converted into svg, designed by PLoS. This version with transparent background. http://commons.wikimedia.org/wiki/File:Open_Access_logo_PLoS_white.svg art designer at PLoS, modified by Wikipedia users Nina, Beao, JakobVoss, and AnonMoos http://www.plos.org/ ZENODOarrow_drop_down
image/svg+xml art designer at PLoS, modified by Wikipedia users Nina, Beao, JakobVoss, and AnonMoos Open Access logo, converted into svg, designed by PLoS. This version with transparent background. http://commons.wikimedia.org/wiki/File:Open_Access_logo_PLoS_white.svg art designer at PLoS, modified by Wikipedia users Nina, Beao, JakobVoss, and AnonMoos http://www.plos.org/
ZENODO
Article
Data sources: ZENODO
addClaim

MOTIBASYON SA PAGKATUTO NG MGA ATLETANG MAG-AARAL SA ASIGNATURANG FILIPINO AT MGA SALIK SA PAGTUTURO NG MGA GURO

Authors: Rosales, Robelyn May T.; Sinfuego, Roel A.;

MOTIBASYON SA PAGKATUTO NG MGA ATLETANG MAG-AARAL SA ASIGNATURANG FILIPINO AT MGA SALIK SA PAGTUTURO NG MGA GURO

Abstract

Hamon para sa mababang motibasyon ng mga atletang mag-aaral sa asignaturang Filipino dahil sa mabigat nilang tungkulin sa akademiko at palakasan. Sinuri ang mga manipestasyon ng motibasyon sa pagkatuto ng mga atletang mag-aaral sa Filipino at ang mga salik na nag-uudyok sa mga guro sa kanilang pagtuturo. Ipinahayag ang kanilang motibasyon gamit ang Self-Determination Theory nina Deci at Ryan, partikular sa dimensyon ng awtonomiya, kakayahan, at ugnayan. Gumamit ng deskriptibo-kwalitatibong disenyo. Walong gurong nagtuturo ng Filipino sa mga atletang mag-aaral sa isang pampublikong paaralan sa Davao City ang lumahok. Ipinakita ng mga atletang mag-aaral ang motibasyon sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok, pagiging responsable, pagpupursige, at interes sa Filipino. Ang mga guro naman ay naudyukan ng dedikasyon sa propesyon, hangaring mapaunlad ang mga mag-aaral, at pagpapanatili ng positibong ugnayan sa klase. Mahalaga rin ang awtonomiya, kakayahan, at ugnayan sa pagpapaigting ng motibasyon. Mahalaga ang suportibong kapaligiran at mga estratehiyang nakasentro sa pangangailangan ng mga mag-aaral upang mapanatili ang kanilang motibasyon. Inirerekomenda ang mas matibay na ugnayan ng paaralan, pamilya, at mga guro upang masuportahan ang kanilang akademikong pag-unlad.

Powered by OpenAIRE graph
Found an issue? Give us feedback