
Ang kasaysayan ay mahalagang bahagi ng pagkakakilanlan ng isang bansa, at ang pelikula ay nagsisilbing makapangyarihang midyum upang maisabuhay at maipahayag ang mga mahahalagang pangyayari mula sa nakaraan. Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagsusuri ng mga piling historikal na pelikulang Pilipino tulad ng Heneral Luna, Goyo: Ang Batang Heneral, at El Presidente. Layunin nitong matukoy kung paano inilalarawan ng mga pelikulang ito ang mga makasaysayang tauhan, pangyayari, at ideolohiya, gayundin ang kanilang implikasyon sa paghubog ng pambansang kamalayan ng mga manonood.Gumamit ang pag-aaral ng deskriptibong disenyo sa ilalim ng kwalitatibong pamamaraan, partikular ang thematic analysis. Sinuri ang iba’t ibang elemento ng pelikula tulad ng karakterisasyon, tema, sinematograpiya, tunog, editing, production design, direksyon, at diyalogo upang matukoy ang mga dominanteng tema at kahulugan. Natuklasan na ang mga pelikula ay hindi lamang naglalahad ng mga pangyayaring historikal kundi nagbibigay rin ng mas malalim na interpretasyon sa mga isyung panlipunan, moralidad, at nasyonalismo. Lumitaw na ang mga pelikulang ito ay epektibong nagagamit bilang kasangkapan sa edukasyon dahil pinapalalim nito ang pag-unawa ng mga manonood sa kasaysayan sa pamamagitan ng visual at emosyonal na presentasyon. Gayundin, napag-alaman na ang malikhaing interpretasyon ng kasaysayan ay nakatutulong upang mapukaw ang interes at kritikal na pag-iisip ng mga manonood. Sa kabuuan, pinatunayan ng pag-aaral na ang historikal na pelikula ay may mahalagang papel sa pagpapanatili ng kasaysayan, pagpapalakas ng pambansang identidad, at paghubog ng isang mapanuri at makabayang mamamayan.
| selected citations These citations are derived from selected sources. This is an alternative to the "Influence" indicator, which also reflects the overall/total impact of an article in the research community at large, based on the underlying citation network (diachronically). | 0 | |
| popularity This indicator reflects the "current" impact/attention (the "hype") of an article in the research community at large, based on the underlying citation network. | Average | |
| influence This indicator reflects the overall/total impact of an article in the research community at large, based on the underlying citation network (diachronically). | Average | |
| impulse This indicator reflects the initial momentum of an article directly after its publication, based on the underlying citation network. | Average |
