
Abstrak. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang papel ng Wikang Filipino bilang medium of instruction sa paglinang ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral na kumukuha ng kursong Human Resource Management (HRM). Sa pamamagitan ng deskriptibong metodo ng pananaliksik, tinipon ang datos mula sa mga mag-aaral hinggil sa kanilang karanasan at persepsyon sa paggamit ng Wikang Filipino sa kanilang pag-aaral. Ang resulta ng pag-aaral ay nagpapakita na ang Wikang Filipino ay isang epektibong kasangkapan sa pagtuturo at pagkatuto ng mga kasanayan sa pagsasalita, lalo na sa larangan na nakatuon sa pamamahala ng mga tao sa loob ng isang organisasyon. Bukod dito, natuklasan din na ang paggamit ng Wikang Filipino ay nakakatulong sa pagbuo ng kumpiyansa at pagtaas ng antas ng pag-unawa ng mga mag-aaral sa asignaturang HRM. Ang pag-aaral na ito ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng paggamit ng Wikang Filipino sa edukasyon, lalo na sa mga kursong may kinalaman sa serbisyo at komunikasyon. Mga Salitang-Tukoy: Wikang Filipino, Pagtuturo, Pag-aaral, HRM
Wikang Filipino, Pagtuturo, Pag-aaral, HRM
Wikang Filipino, Pagtuturo, Pag-aaral, HRM
| selected citations These citations are derived from selected sources. This is an alternative to the "Influence" indicator, which also reflects the overall/total impact of an article in the research community at large, based on the underlying citation network (diachronically). | 0 | |
| popularity This indicator reflects the "current" impact/attention (the "hype") of an article in the research community at large, based on the underlying citation network. | Average | |
| influence This indicator reflects the overall/total impact of an article in the research community at large, based on the underlying citation network (diachronically). | Average | |
| impulse This indicator reflects the initial momentum of an article directly after its publication, based on the underlying citation network. | Average |
