
Ang kwalitatibong-deskriptibong pananaliksik na ito ay nakapokus sa pagsusuri ng pagkakatulad at pagkakaiba ng mga panlaping makadiwa sa pagitan ng dalawang dayalektong Tagalog– ang Tagalog-Cavite at Tagalog-Marinduque, na kapwa matatagpuan sa Rehiyon IV, Pilipinas; mga napiling lalawigan sapagkat ang paraan ng paglalapi sa mga pandiwa nito ay mayroong kakaibang katangian kumpara sa iba pang varyasyon ng Tagalog. Ang instrumentong gagamitin sa pag-aaral na ito ay ang talatanungan para sa isasagawang panayam, mga datos mula sa mga babasahin at pag-aaral na may kinalaman sa balarila ng tampok na dayalektong sinuri. Kapaki-pakinabang din sa pananaliksik na ito ang mga artikulo mula sa mga online database. Buhat dito, ang dalawang dayalekto ng Tagalog na nabanggit ay may kani-kaniyang bersiyon ng paglalapi upang makabuo ng mga salitang pandiwa. Ang Tagalog-Cavite ay may dalawang panlapi upang tapatan ang um-/-um- ng Tagalog-Maynila. Ito ay ang mga unlaping na- na ginagamit sa aspektong Perpektibo at pa- na nagsasaad ng aspektong Kontempatibo kapag idinagdag sa salitang ugat. Ang mga panlaping makadiwa mula sa Tagalog-Marinduque ay maaaring maiuri sa dalawang klasipikasyon. Una, ang mga panlaping makadiwang batay sa Maramihang Kailanan ng Aktor/Paksa at ang ikalawa ay ang mga panlapi batay sa Pagbuo ng Aspekto ng Pandiwa. Nagkakatulad ang paglalaping makadiwa ng Tagalog-Cavite at Tagalog-Marinduque bunga ng magkalapit na lokasyon ng dalawang lalawigan. Nakaiimpluwensiya rin ang kultura, paniniwala, pakikipagkalakalan at pamumuhay ng mga taong naninirahan sa mga pook na ito kung bakit nagkakahawig ang kanilang wika. Ang sanhi ng pagkakaiba ng paglalaping makadiwa ng Tagalog-Cavite at Tagalog-Marinduque ay ang: (a) pag-uulit sa unang pantig ng salitang ugat, (b) Kailanan at Panauhan ng aktor/paksa, (c) pagkakaroon ng pagbabagong morpoponemiko bilang proseso ng paglalapi, at (d) pagkakaroon ng higit sa isang varyant ng pormasyon ng pandiwa gamit ang isang panlapi.
paghahambing na pagsusuri, Tagalog-Cavite, dayalekto, Tagalog-Marinduque, wika, paglalapi
paghahambing na pagsusuri, Tagalog-Cavite, dayalekto, Tagalog-Marinduque, wika, paglalapi
| selected citations These citations are derived from selected sources. This is an alternative to the "Influence" indicator, which also reflects the overall/total impact of an article in the research community at large, based on the underlying citation network (diachronically). | 0 | |
| popularity This indicator reflects the "current" impact/attention (the "hype") of an article in the research community at large, based on the underlying citation network. | Average | |
| influence This indicator reflects the overall/total impact of an article in the research community at large, based on the underlying citation network (diachronically). | Average | |
| impulse This indicator reflects the initial momentum of an article directly after its publication, based on the underlying citation network. | Average |
