
Ang eksploratoryong pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamayanan ng San Juan, Laur, Nueva Ecija, na kung saan tumutok sa kaugnayan ng pananampalataya sa pagpapaunlad ng pamayanan. Ito ay pinagtibay at sinuportahan ng iba’t ibang pamamaraan; nagsagawa ng mga pakikipanayam, Obserbasyong Kalahok (Participant Observation), at Pangkatang Talakayan (Focus Group Discussions) para sa mga naging kalahok ng pag-aaral. Sa kabilang dako, ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay tukuyin kung ano nga ba ang kaugnayan ng pananampalataya sa pagpapaunlad ng pamayanan, at kung paano ito mapag-uugnay sa mga konkretong pamamaraan, programa, at gawain. Sa kabuuan, ang pananaliksik na ito ay naging isang tugon sa nais tunguhin ng pamayanan na maitaas ang kabutihang panlahat at kaunlaran. Ito rin ang naging daan upang pagsamahin at pagsabayin nang buo ang pananampalataya at pagpapaunlad para sa pag-usad ng pamayanan ng San Juan. Hindi maitatanggi na ang pag-aaral na ito ay nakabuo ng mga susing pamamaraan, proyekto, at gawain na siyang tinitingnan bilang pinakasalik ng kaunlaran ng pamayanan. Dahil sa maigting na pananaliksik, pinagtibay ng pag-aaral na ito ang pananampalataya bilang matibay na pundasyon at susing daan sa kaunlaran. Ang pag-aaral na ito ay inihanay din sa konteksto ng Batayang Pamayanang Kristiyano o Basic Ecclesial Community (BEC) na siyang ginamit upang bigyang-kulay at ilarawan ang nasabing pamayanan.
pag-unlad, Batayang Pamayanang Kristiyano, pananampalataya, eksploratoryong pag-aaral
pag-unlad, Batayang Pamayanang Kristiyano, pananampalataya, eksploratoryong pag-aaral
| selected citations These citations are derived from selected sources. This is an alternative to the "Influence" indicator, which also reflects the overall/total impact of an article in the research community at large, based on the underlying citation network (diachronically). | 0 | |
| popularity This indicator reflects the "current" impact/attention (the "hype") of an article in the research community at large, based on the underlying citation network. | Average | |
| influence This indicator reflects the overall/total impact of an article in the research community at large, based on the underlying citation network (diachronically). | Average | |
| impulse This indicator reflects the initial momentum of an article directly after its publication, based on the underlying citation network. | Average |
