
Layunin ng pananaliksik na ito na matukoy ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pokus ng pandiwa. Isinagawa ang pag-aaral sa ikauna hanggang ikatlong taon sa kolehiyo ng kursong Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon, Medyor sa Filipino sa pribadong paaralan ng CSTC Sariaya, Quezon, gumamit ng descriptive survey method bilang pangunahing instrumento ng pag-aaral. Nasuri ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pokus ng pandiwa tula ng Tagaganap o Aktor, Tagatanggap o Benepaktib, Layon o Gol, Ganapan o Lokatib, Sanhi o Kawsatib, Gamit o Instrumental, o Direksyunal, gamit ang mga nakalap na datos na sumailalim sa angkop na estadistikal na pagsusuri. Batay sa pag-aaral, nangangailangan ng kaalaman ang mga kalagayan ng mga mag-aaral sa paggamit sa mga nabanggit na pokus ng pandiwa. Marami pa rin sa mga mag-aaral ang nahihirapang unawain ang mga gamit sa pokus ng pandiwa sa pangungusap para epektibong pagsasalita at komunikasyon. Naging batayan ng mga mananaliksik ang mga nakuhang datos na nakalap upang bumuo ng gabay-aralin na pinamagatang “Pagpapahusay ng Diwa: Pitong Pokus ng Pandiwa” na makatutulong upang mapataas ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pokus ng pandiwa. Isa ito mga pagsasanay na makatutulong upang mapataas ang nabanggit na kaalaman ng mga mag-aaral, lalo’t higit sa kanilang pag-unawa sa iba’t ibang pokus ng pandiwa.
| selected citations These citations are derived from selected sources. This is an alternative to the "Influence" indicator, which also reflects the overall/total impact of an article in the research community at large, based on the underlying citation network (diachronically). | 0 | |
| popularity This indicator reflects the "current" impact/attention (the "hype") of an article in the research community at large, based on the underlying citation network. | Average | |
| influence This indicator reflects the overall/total impact of an article in the research community at large, based on the underlying citation network (diachronically). | Average | |
| impulse This indicator reflects the initial momentum of an article directly after its publication, based on the underlying citation network. | Average |
