
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang impluwensiya ng Netspeak sa akademikong pagsulat ng mga mag-aaral sa kolehiyo, partikular sa Don Carlos Polytechnic College (DCPC). Layunin ng pag-aaral na ito na tukuyin ang mga uri ng Netspeak na karaniwang ginagamit ng mga mag-aaral sa kanilang akademikong pagsulat at ang impluwensiya nito sa kanilang pagsulat at pag-unawa sa mga akademikong teksto. Sa pamamagitan ng deskriptibong-analitikong disenyo ng pananaliksik, ginamit ang kuwantitatibong paraan ng pag-aaral. Ang mga datos ay nakuha sa pamamagitan ng random sampling na pamamaraan mula sa limampung (50) mag-aaral ng ikalawang taon sa DCPC na nagpapakadalubhasa sa Filipino. Ang mga natuklasan ng pag-aaral ay nagpapakita na mataas ang frequency count ng abbreviation, unique orthography, at internet slang sa akademikong pagsulat ng mga mag-aaral. Ipinakita rin ng pag-aaral na mayroong tatlong (3) uri ng Netspeak ang namumutawi sa kanilang akademikong sulatin: abbreviation, unique orthography, at internet slang. Ang impluwensiya ng Netspeak sa akademikong pagsulat ng mga mag-aaral ay mahalaga at dapat bigyang-pansin. Ipinapakita ng mga resulta na ang paggamit ng Netspeak ay maaaring magdulot ng negatibong epekto sa kalidad at propesyonalismo ng kanilang pagsulat. Kaya naman, mahalaga na gabayan at turuan ang mga mag-aaral sa tamang paggamit ng wika sa akademikong larangan upang mapanatili ang kalidad ng kanilang komunikasyon at pagsulat.
| selected citations These citations are derived from selected sources. This is an alternative to the "Influence" indicator, which also reflects the overall/total impact of an article in the research community at large, based on the underlying citation network (diachronically). | 0 | |
| popularity This indicator reflects the "current" impact/attention (the "hype") of an article in the research community at large, based on the underlying citation network. | Average | |
| influence This indicator reflects the overall/total impact of an article in the research community at large, based on the underlying citation network (diachronically). | Average | |
| impulse This indicator reflects the initial momentum of an article directly after its publication, based on the underlying citation network. | Average |
