
Ang pagkatuto sa Filipino gamit ang modyular na pag – aaral at online na pagsusulit ay isang pag-aaral na ginawa sa MSU – Sulu Laboratory High School sa taong 2023-2024. Ito ay tumutukoy din sa demograpikong propayl ng mga mag-aaral bilang respondante ayon sa kanilang kasarian, edad, buwanang kita ng mga magulang, at natapos ng mga magulang. Sinuri din nito ang pagkatuto sa Filipino ng mga mag –aaral sa MSU – Sulu Laboratory High ayon sa modyular, online na pagsusulit, at online learning. Sinuri din ng pananaliksik na ito kung may pagkakaiba ayon sa pagkatuto sa Filipino ng mga mag –aaral sa baitang 10 ng MSU – Sulu Laboratory High School, at kung may mahalaga bang pag – uugnayan sa pagkatuto sa Filipino gamit ang modyular, online na pagsusulit, at online learning. Ang pananaliksik ay isang quantitative research at ginanap sa MSU – Sulu Laboratory High School na matatagpuan sa Capitolyo ng Sulu. Ang respondante ng pananakiksik ay ang isang daang estudyante ng paaralan na kinabibilangan ng baitang 10. Purposive sampling ang istratehiyang ginamit sa pagpili ng mga respondante.
| selected citations These citations are derived from selected sources. This is an alternative to the "Influence" indicator, which also reflects the overall/total impact of an article in the research community at large, based on the underlying citation network (diachronically). | 0 | |
| popularity This indicator reflects the "current" impact/attention (the "hype") of an article in the research community at large, based on the underlying citation network. | Average | |
| influence This indicator reflects the overall/total impact of an article in the research community at large, based on the underlying citation network (diachronically). | Average | |
| impulse This indicator reflects the initial momentum of an article directly after its publication, based on the underlying citation network. | Average |
