
Ang pag-aaral na ito ay may layuning suriin ang kahandaan ng mga SHS-ICT student graduate ng Arellano University sa mundo ng pagtatrabaho. Gawing basehan ito sa pagbuo ng career guidance intevention program. Sa pagsasakatuparan nito, nagsagawa ang mananaliksik ng isang kwalitatibong pag-aaral na may disenyong penomenolohikal. Isinagawa ito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng isang focus group discussion na kung saan kinakasangkutan ito ng anim (6) na kalahok na nagtapos ng ICTS strand mula taong panuruang 2019 hanggang 2022. Batay sa naging resulta ng diskusyon, lumalabas na ang mga mag-aaral ay nagpakita ng kahandaan sa pagtatrabaho. Natuklasang malaking tulong ang mga kasanayan kanilang natutunan mula sa kumpanyang kanilang pinapasukan upang magtagal sila sa kanilang trabaho. Halimbawa nito ay ang kakayahan sa kahusayan sa pamumuno at pakikipag-ugnayan; at pagiging propesyunal kumilos at mag-isip. Ang pagiging responsable at komited sa trabaho; at kumpetitiv at nagagawang ilapat ang mga natutunan naman ay ang mga kasanayang natamo ng mga mag-aaral sa paaralang kanilang pinagtapusan. Ang mga nasabing tema na lumutang sa naganap na FGD ay siyang naging basehan sa pagbuo ng interbasyon. Ang mga gawaing nakapaloob ay ayon na rin mula sa mungkahi ng mga eksperto. Sa kabuoan, iminumungkahi ng mananaliksik na maaring gawing batayan ng bawat paaralang nagkakaloob ng ICT strand ang kanyang pag-aaral sa pagbuo ng sarili nilang career guidance intervention program.
career guidance intervention program, focus group discussion, ICT student graduate
career guidance intervention program, focus group discussion, ICT student graduate
| selected citations These citations are derived from selected sources. This is an alternative to the "Influence" indicator, which also reflects the overall/total impact of an article in the research community at large, based on the underlying citation network (diachronically). | 0 | |
| popularity This indicator reflects the "current" impact/attention (the "hype") of an article in the research community at large, based on the underlying citation network. | Average | |
| influence This indicator reflects the overall/total impact of an article in the research community at large, based on the underlying citation network (diachronically). | Average | |
| impulse This indicator reflects the initial momentum of an article directly after its publication, based on the underlying citation network. | Average |
