
Abstrak. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang epekto at kabisaan ng Nakalarawang Digitized Instructional Material sa Panitikang Pandaigdig sa pagpapaunlad ng kasanayang pampanitikan gamit ang ADDIE Model. Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay mapataas ang interes at pag-unawa ng mga mag-aaral sa pagbabasa ng mga akdang pandaigdig. Gamit ang Quasi-Experimental Design, hinati ang mga mag-aaral sa Control Group at Experimental Group, kung saan ang Control Group ay ginamit ang tradisyunal na pamamaraan ng pagtuturo, at ang Experimental Group naman ay ginamitan ng interaktibo at nakalarawang digital na materyal. Ginamit ang weighted mean upang masukat ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral bago at pagkatapos ng implementasyon, at ang Paired Sample t-test upang matukoy kung may makabuluhang pagkakaiba sa antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Ipinakita ng mga resulta na ang parehong grupo ay nakapagtamo ng makabuluhang pag-unlad sa kanilang kasanayan, ngunit mas mataas ang naging pagganap ng na gumamit ng makabagong materyal. Natuklasan na ang paggamit ng Nakalarawang Digitized Instructional Material na kagamitang panturo ay epektibong nakatulong sa pagpapataas ng interes at partisipasyon ng mga mag-aaral sa Panitikang Pandaigdig. Ang materyal ay napatunayan na nakatutulong sa pagpapalalim ng kanilang pag-unawa, pagpapahalaga sa kultura, at mga akdang pampanitikan. Sa kabuuan, ang pag-aaral ay nagmumungkahi ng patuloy na paggamit ng makabagong kagamitang panturo upang mapabuti ang pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral sa asignaturang Panitikang Pandaigdig Mga Susing Salita: Nakalarawang Digitized Instructional Material, Panitikang Pandaigdig, ADDIE Model, Pagkatuto, Kasanayan ng Mag-aaral
Nakalarawang Digitized Instructional Material, Panitikang Pandaigdig, ADDIE Model, Pagkatuto, Kasanayan ng Mag-aaral
Nakalarawang Digitized Instructional Material, Panitikang Pandaigdig, ADDIE Model, Pagkatuto, Kasanayan ng Mag-aaral
| selected citations These citations are derived from selected sources. This is an alternative to the "Influence" indicator, which also reflects the overall/total impact of an article in the research community at large, based on the underlying citation network (diachronically). | 0 | |
| popularity This indicator reflects the "current" impact/attention (the "hype") of an article in the research community at large, based on the underlying citation network. | Average | |
| influence This indicator reflects the overall/total impact of an article in the research community at large, based on the underlying citation network (diachronically). | Average | |
| impulse This indicator reflects the initial momentum of an article directly after its publication, based on the underlying citation network. | Average |
